Saturday, May 30, 2009

When does a Bisaya become a Filipino?
Am I a Bisaya, or a Filipino?
One foreigner says that Filipinos are maids, or the more politically-correct "domestic helper", and the whole archipelago goes wild in anger. An ad in the jobs section of a Philippine daily contains an adverstisement looking for a "Bisaya maid", and no one cares.
Why is Manny Pacquiao called the "Filipino Champion" instead of the "Bisaya Champion"?
But why is "Inday" called the Bisaya maid?
But if some Rose, Lyn, or Sharon is called a Filipina maid abroad, the citizens of the state called the Republic of the Philippines get mad.
Then some Selzinger- or some Battista-surnamed Americans make a good name and they suddenly become Filipino-Americans.
Who the fuck says who is Filipino and who is Bisaya?

Tuesday, April 28, 2009

At least mas kapani-paniwala ito kesa kay Madam Auring at Archie.

...Or the Mahal-Jimboy tandem.

...Or the Ruffa Mae - Eric Santos tandem.









ANONG SINABI NI MADAME AURING???

O NI MAHAL???????

O NI ERIK AT NI PEACHY???

1. But this falls way below this:



















or this:




















2. If the Mar Roxas-Korina Sanchez wedding doesn't happen before the elections, he will be the second unmarried man post-EDSA to run for President, the first being...


..his namesake, and other - sakes.

3. The Roxas-Sanchez tandem and all the confettis are the sum of the principles applied in the Sharon-Kiko/Vilma-Ralph formula, the Mahal-Jimboy/Madame Auring-Archie equation, and the Erik Santos-Ruffa Mae simulation.

4. A couple for more than 6 years (in 2004, their "relationship" became public), engaged at last...The groom is 52, the bride is 44. Strict parents.

5. GOSSSSSHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!



Tuesday, April 07, 2009


Blasphemy 101: Buti pa si Hesu Kristo.
Pinahirapan, pinatay, nabuhay, na-immortalize.
Ako din naman, kung alam kong may kabuluhan ang aking kamatayan, kung alam kong sa kabila ng paghihirap ay may kabuluhan ito sa sangkatauhan, and of course, kung may assurance naman ako mula sa Diyos Ama na mabubuhay ako uli, syempre kakayanin ko ang hirap. Yan lang pala e.
E kung nagpagulpi nga ako sa frats na sinalihan ko kapalit ng "mutual help" benifit, yan pa.
Tsaka, pinadala sya sa lupa, alam na nya kung ano ang magiging papel nya dito. E tayo? Ano ba ang papel natin dito?
Mag-trial-and-error?
Buti pa si Kristo, naghirap, pero alam nyang pagkatapos ng hirap, may pwesto sya sa santissima trinidad. e ang mga milyun-milyong taong naghihirap sa "pagsubok" ng diyos, ano bang nakalaan sa kanila?
Loyalty award?

Thursday, April 02, 2009

Hindi ba panahon na para ma-immune ang mga pinoy sa label na "DH, servant, etc"?

Ang kulet na kasi, angal tayo lagi ng angal. E foreigner sila, pinoy tayo, ano gusto nyong itawag ng mga foreigner sa kanila - bagong bayani?
Angal tayo ng angal tungkol sa racist remarks sa mga Pinoys abroad. Ganun lang yan dude, alien ka, mapapansin ka, mau-obserbahan ka, magkakaroon ng conclusion ang mga locals sa iyo.
Which brings me to the question - bakit, tayo bang mga pinoy, ano ba ang mga sinasabi natin tungkol sa mga foreigners dito sa bansa natin?
Bombay - mabaho. 5-6.
Koreano - mabaho. bastos. nanggugulang. dupang.
Arabics - mabaho. bobo.
Tanungin mo ang average Pinoy kung gusto nyang pumuntang India. Ang sagot - ayoko, ang babaho ng mga tao dun.
Ilang beses mo maririnig ang mga pinoy galing middle east, tatanungin ng mga pinoy dito - di ba mababaho ang mga tao dun?
Akong galing France, pag nalaman ng mga Pinoy na galing ako dun, ang laging tanong - hindi ba mabaho ang mga French?
Syangapala, natanong ko minsan sa mga French na kasama ko sa bahay kung na-o-offend ba sila pag sinabi ng mga taga-ibang bansa na mabaho sila. Sabi nila, hindi, kasi hindi naman daw totoo.
Naisip ko lang, kung tayo, bakit naman tayo na-o-offend na tawagin tayong servant - hindi ba servants talaga karamihan ng pinoy sa ibang bansa?
And hindi lang sa private conversations lumalabas ang mga ganung remarks. Nasa TV sitcoms, minsan ay may mga karakter na bombay o arabo at laging mabaho ang kanilang karakter, ta-tanga-tanga, or nanggigipit sa pa-utang ala shylock.
At sino ba ang hindi nakakapansin ng "conservative Chinese family" ni Kim Chiu sa teleseryeng Tayong Dalawa, hindi ba't depicted in bad light din ang kanilang Chinese family?
E paano ang napakaraming palabas sa TV na lahat ng katulong ay Bisaya? At kung bisaya ang karakter na katulong, karaniwan, tanga din ang karakter.
E tayo, matawag na "nation of servants", gusto nang magsimula ng pangatlong digmaang pandaigdig. Bakit,ano ba tayo? Nation of masters?
Unang-una, hindi ba't tinuturo sa mga paaralan natin na hindi dapat ikahiya ang trabaho basta't ito ay marangal? Pero bakit naman may mga ego na nasasaktan pag tinawag tayong nation of servants? Hindi ba marangal na trabaho ang maging katulong?
E kung ang sariling Presidente ng ating bansa ay tinatawag nating magnanakaw, e bakit umaangal ang mga pinoy pag tinawag na alipin ang mga kababayan natin sa ibang bansa? Bakit, ano ba ang ginagawa ng karamihan ng mga pinoy sa Hong Kong? Turista? CEO?
Of course, sweeping generalization, as always. Pero bakit tayo ba? HIndi ba tayo'y promotor din ng ganyang klaseng pag-iisip?
Tsaka harapin natin ang katotohanan, kung ang milyun-milyon nating mga kababayan na nagta-trabaho sa ibang bansa ay namamasukan bilang katulong, ano ang gusto nyong isipin ng mga dayuhan? Na bansa tayo ng mga maharlika?
Nung ako ay nasa Italia pa, madalas din akong tanungin ng mga italiano kung DH or caregiver ako. Without taking any offense, sinasabi ko hindi, at hindi ko minamasama ang pagtanong nila sa akin ng ganun. Bakit? Kasi DH/caregiver naman talaga karamihan ng mga pinoy sa italy. Sa bawat araw na nakaka-encounter ako ng ganun, oks lang, kasi, kahit kapwa pinoy na makilala ko dun, ang tanung din sa akin ay kung tapus na akong maglinis, kung magkano ang singil ko sa oras ko, kung saan ako namamasukan, kung gusto mag-extra sa amo nila, kung gusto kong mag-sub sa kanila, etc.
Kung kapwa pinoy mo, ganun ang tingin sa iyo, anong kinasama kung ganun din ang tingin ng mga ibang lahi sa iyo?
Ang lagay ba, tayo lang pwedeng magsalita tungkol sa kapwa natin at ang mga banyaga ay walang karapatan? E nasa bansa kaya nila tayo.
Hindi ba dapat na tayong masanay?

Thursday, January 22, 2009

At ano naman ang napala ng mga Pinoy sa pagpanood ng inauguration ni Obama?
Wala. Naki-uso naman ang mga pinoy. Porke't uso sa Amerika, naki-uso na rin ang mga nasa Pilipinas. Pinoy nga talaga. Ano na ang susunod? Si Jejomar Obinay na ang Presidente ng Pilipinas?
At sino naman kasi ang nagpa-utot na kakanta si Charice Pempengco sa Inauguration ni Obama kaya itong mga hung-hang na mga pinoy na gustong makisawsaw sa worldwide attention sa inauguration ni Obama, nagpuyat at nag-abang. Ulol! May nagbago ba sa buhay nyo pagkatapos nyong magpuyat at manood ng US$ 170 Million na inauguration?
Napanood nyo ba si Charice Pempengco? Baka sa kung saang sulok lang ng Washington yon nakikipagsiksikan para makasilip sa inauguration. Plis lang po, sangkatutak na unofficial inauguration balls ang nangyari, kung ginusto ng Jollibee sa California na magkaroon din ng inauguration ball, walang pipigil sa kanila at pakantahin nila si Charice Pempengco magdamag, pero may tinatawag na official at unofficial. Ang tanong - saang tabi-tabi naman pinakanta yong Charice Pempengco at kung ibalita dito ay parang ka-lebel nya si Aretha Franklin?
Anyways, di ba't andaming naguyo at inabangan talagang kumanta si Charice Pempengco sa mga official inauguration balls ni Obama? Kawawang pinoy.
Dyan kasi tayo sa mga seremonyas magaling. Kahilig-hilig sa seremonyas at mga celebrations na wala namang kahulugan sa mga buhay-buhay natin. At sa mga nagsasabing "historical" daw 'yon, plis lang, koreksyon po, trivia pa lang yan. Presidente sya ng Amerika, itim, unang egoy na presidente, ganun, anong historical dyan e wala pa namang nagbabago sa mga buhay ninyo?
Kung pa-first-first lang naman pag-usapan, e ano ngayon kung first? Bwiset naman kasi, ano bang pinagkaiba ng egoy na presidente sa puting presidente? Kulay lang naman di ba? O ayan, si Cory, kauna-unahang babaeng presidente, may napala ba kayo?
Pero ginawang big deal. As if naman pag may tumakbong ita sa pagka-presidente ay tatangkilikin ng mga pinoy, e sa libu-libong reklamo natin sa racism, di hamak namang isang bansa tayo ng mga racists.
At sa dami ng mga nangyayari sa Pilipinas na dapat sana ay pagtuunan ng pansin ng media, putangina, isang batalyon ng reporter ang pinadala sa Washington para mag-cover sa inauguration, e pwede namang bumili ng news and video clips sa international news agencies. At parang camera daw talaga nila ang naka-capture nung mga pictures nung inauguration. Ulol! Ganun pa rin, bumili pa rin ng rights sa mga accredited press agencies na nandun.
Ang masaklap pa dyan, kalahati ng balita sa evening news ay puro Obama inauguration - kung ano ang suot ni Obama, kung ano ang seating arrangement sa inauguration, kung saan ang daanan papasok at palabas sa inauguration, kung saan dadaan ang parada, parang tsong, anong pakialam ng mga pinoy dyan??? Sa TV lang kami manunood, ba't papakitaan pa kami ng mga mapa ng entry and exit sa primetime news. Bwiset. Nag-iisip ba yang mga reporter o talagang pasikat lang???
At sa hinaba-haba ng seremonyas, inulit lang pala ng madalian dahil mali. Ang kulet.
Bwiset.